This Tagalog poem is from the early 20th century.
ANG ABANIKO MO
(Sa isang bulaklak.)
Parang isang pilas ng langit na bughaw
ang namamalas ko kung ikaw'y magpaypay,
parang isang mundo ang pinagagalaw
ng napakaputi't nilalik mong kamay.
Iyan ang pamaymay na iyong ginamit
nang ako'y darangin ng dila ng init,
diyan napasama ang patak ng pawis,
diyan napalipat ang pisngi ng lang̃it.
Anopa't sa aki'y naging malikmata
ang buhay kong iyong binigyang biyaya,
nalimot kong minsang ang tao sa lupa
ay may kamataya't sariling tadhana.
Ang sungit ng gabi, sa aki'y napawi
at bagong umaga ang siyang naghari,
ang damdam ko baga'y pawang nanaghili
sa akin ang mga taong mapagsurí.
Subukang igawad ang Sangkatauhan
at hindi sasaya itong kabuhayan,
nguni't kung ang iyong abanikong tangan,
patay ma'y babango't ikaw'y aawitan.
Sa aki'y sukat na ang ikaw'y mamalas
upang ang langit ko'y mawalan ng ulap,
ang iyong pamaypay kung siya mong hawak,
ako'y dinaraíg ng mga pangarap.
ANG ABANIKO MO
(Sa isang bulaklak.)
Parang isang pilas ng langit na bughaw
ang namamalas ko kung ikaw'y magpaypay,
parang isang mundo ang pinagagalaw
ng napakaputi't nilalik mong kamay.
Iyan ang pamaymay na iyong ginamit
nang ako'y darangin ng dila ng init,
diyan napasama ang patak ng pawis,
diyan napalipat ang pisngi ng lang̃it.
Anopa't sa aki'y naging malikmata
ang buhay kong iyong binigyang biyaya,
nalimot kong minsang ang tao sa lupa
ay may kamataya't sariling tadhana.
Ang sungit ng gabi, sa aki'y napawi
at bagong umaga ang siyang naghari,
ang damdam ko baga'y pawang nanaghili
sa akin ang mga taong mapagsurí.
Subukang igawad ang Sangkatauhan
at hindi sasaya itong kabuhayan,
nguni't kung ang iyong abanikong tangan,
patay ma'y babango't ikaw'y aawitan.
Sa aki'y sukat na ang ikaw'y mamalas
upang ang langit ko'y mawalan ng ulap,
ang iyong pamaypay kung siya mong hawak,
ako'y dinaraíg ng mga pangarap.