Ito ay halimbawa ng isang maikling tulang pambata. ANG DAGA Sa lahat ng hayop, ayaw ko sa daga, Salot sa tahanan, maging sa tumana. Lahat kinakain, daming sinisira; Maraming kaaway, lalo na ang pusa. Pagkaing niluto, kaagad tatakpan, Upang maligtas sa dagang kalaban; Maruruming damit ay agad lalabhan, Nang hindi masira ng dagang kaaway.
* Visit us here at TAGALOG LANG.